Skip to main content

Pagtataas ng Pambansang Watawat ng Pilipinas

Isinagawa ngayong araw, Agosto 4, 2025, ang Pagtataas ng Pambansang Watawat ng Pilipinas para sa unang Lunes sa Buwan ng Agosto, kasabay ang pakikiisa ng mga opisiales ng Lokal na Gobyerno ng Sudipen na pinangungunahan ng ating Punong Alkalde, Wendy Joy A. Dengayan at Bise Alkalde Ariel L. Adviento, empleyado ng lokal at nasyonal na ahensya, mga punong barangay at mga miyembro ng MESSIAH.
Pagkatapos nito ay ang ikalawang yugto ng programa na ginanap sa MAOB Hall kung saan naipakilala ang mga magdiriwang ng kaarawan sa Buwan ng Agosto. Nagbahagi rin ng salita ng Diyos si Pastor Victor Dagacan.
Sa pagdiriwang ng ating Buwan ng Wika ngayong buwan ng Agosto, sina G. Amhir A. Villanueva at Bb. Annaliza B. Alos ay nagwagi sa Pinakamagandang Kasuotan sa Barong at Filipiniana.
Sa mensahe ng ating Kagalang galang na Alkalde, nais nito na mai-angat ang pamumuhay ng mga Sudipenian, kaya naman patuloy na humahakbang at nagkakaisa ang ating lingkod-bayan tungo sa progresibong pag-unlad ng ating bayan. Sa pinakamabilis, matino at mahusay na pamamaraan, sama-sama nating paunlarin ang ating bayan.
Maligayang Buwan ng Wika! Mabuhay ang Kulturang Pilipino!

CLICK LINK FOR MORE:
https://www.facebook.com/share/p/1CjMDvLFKa/

Official Website of Municipality of Sudipen
Data Privacy Notice
×
Loading document...