KABATAAN, KAISA SA LABAN AT PAGBABAGO!
Ngayong araw, Hunyo 26, nakiisa ang ating bayan, na pinangungunahan ni Mayor Weng, sa pagdiriwang ng IDADAIT 2026 (International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking), na may temang “World Drug Problem: Persisting Issues, New Challenges, Innovative Responses,” sa pamamagitan ng matagumpay na “Takbo ng Kabataan para sa Drug-Free na Pamayanan!”
Sa kolaborasyon ng MADAC, LYDC, at Sangguniang Kabataan, kasama ang mga ahensiya ng Sangguniang Bayan, BFP, PNP, MHO, at MDRRM, naipakita ang determinasyon ng ating mga kabataan na panatilihing ligtas at malayo sa ipinagbabawal na gamot ang ating komunidad.
Pagkatapos ng marathon, mas pinalawak pa ang kaalaman ng lahat sa tulong ng isang Information Education Campaign na pinangunahan ni PSMS Myra Mejia (PNP ADAC Focal). Dito ay ibinahagi ang mahahalagang paalala, mga bagong hamon, at mga makabagong solusyon upang tuluyang masugpo ang problema sa droga.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumakbo para sa isang mas ligtas at malusog na kinabukasan!
#Sudipen #IDADAIT2026
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DtRKYoCwh/







