BAGYONG CRISING, MAS LALO PANG LUMAKAS BILANG SEVERE TROPICAL STORM; MALALAKAS NA ULAN AT HANGIN, NARARANASAN SA ILANG BAHAGI NG BANSA
Ayon sa ulat ng PAGASA ngayong ika-19 ng Hulyo, 2025 ng alas 10 ng umaga, patuloy ang paglakas ng Bagyong Crising habang ito’y kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 175 km kanluran hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan (20.0°N, 120.0°E).
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 km/h malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 125 km/h. Dahil dito, nagdudulot ito ng malalakas na ulan at malalakas na hangin sa hilagang bahagi ng Luzon.
Bukod sa direktang epekto ng bagyo, pinapalakas din nito ang Habagat na siyang nagdadala ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
☔️MGA PAALALA
•Mag-ingat sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mabababa at bulubunduking lugar.
•Sumunod sa mga anunsyo ng lokal na pamahalaan at ng awtoridad.
•Manatiling nakaantabay sa weather bulletin ng PAGASA.
#ResilientSUDIPEN
#LigtasAngBayanKungHandaAngMamamayan
DOST-PAGASA
Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/p/19MTyzQPzu/